Mga Halimbawa Po Ng Katutubong Panitikan. Need Po Answers Asap. Salamat!!! :)
Mga halimbawa po ng katutubong panitikan. need po answers asap. salamat!!! :)
Answer:
SAWIKAIN - Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaganapan o sitwasyon o sa pormang patalinhaga.
SALAWIKAIN (Tagalog Proverbs) - Ang salawikain ay mga kasabihan na nagmula sa mga pahayag at payo ng mga matatanda ayon sa kanilang mga karanasan sa buhay o sa isinalin sa kanila ng kanilang mga ninuno.
BUGTONG - Ang Bugtong ay isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy, at ng mga nakakatanda.
ALAMAT - Alamat ang tawag sa pasalitang literature na ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno. Mga simpleng istorya ito na nagsasalaysay kung saan nanggaling ang maraming bagay-bagay sa ating kapaligiran.
EPIKO - Ang epiko ay mahabang salaysay na patula. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas. Ang epiko ay madalas na patungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan. Ang salaysay ay umiikot sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.
Comments
Post a Comment